Pansanaysay na tanong

Bilang tugon sa isang tanong (na maaaring may kasamang larawan), ang kalahok ay sasagot sa anyong sanaysay. Maaaring mag-edit ng tatlong puwang sa paglikha ng isang pansanaysay na tanong: ang pamagat ng tanong, ang katawan ng tanong, at puna na puwedeng ipakita sa isang panahon na ibigin ng tagapangasiwa.

Ang pansanaysay na tanong ay hindi bibigyan ng marka hangga't hindi ito narerebyu ng isang guro o tagapangasiwa, sa pamamagitan ng katangiang Mano-manong Pagmamarka. Kapag mano-manong nagmamarka ng isang pansanaysay na tanong, ang nagbibigay ng marka ay maaaring magpasok ng pasadyang puna bilang tugon sa sanaysay ng kalahok, at magbigay ng iskor sa sanaysay.